(and sorry for the typos before and will-be-typos in this post)
even with my slightly drowsy mind right now...
I wanted to make a continuation
TANTANANAN!
to whom I want to fall inlove with (o gumaganon)
Syempre, since wala namang kakaiba saken *teka nga, intermission lang. nadidistract ako sa pusang nagwawala samen. naaalala ko si Sir ___________. hahaha. tawa na lang*
Anyway, since isa lang ako sa mga normal na babae sa mundo, typical na lalake din lang ang gusto ko.
Hindi ko man sabihin na hindi ako tumitingin sa itsura, medyo basehan pa rin talaga siya diba.
Pero mas gusto ko, yung super close friends kami. Lagi nga akong nagwiwish na sana meron din ako nung childhood friend, tapos best friend kami at later on. lovers and best friends pa din.
ohh yeah. i wish.
pero wala e. eto ang reyalidad.
tuwing nagbabasa ako ng libro, manga o kung ano man tungkol dun, una ang saya saya ko. tapos malulungkot din ako. kasi nakakainggit. buti pa sila, kahit hindi totoo, atleast masaya.
pero mas okay na rin na ganito, atleast totoo.
so ayun nga. mga 20% physical features siguro.
syempre, gentleman at mabait.
hindi seloso.
matalino.
and it goes on and on and on. *dynamite* =D
oo nga, typical girl with the typical type kaya hahaba lang yung list na yan at ayoko na ring isulat kasi halos lahat na ng positive attitude ng isang tao, makakasama dyan.
pero higit sa lahat. gusto ko lang, masaya kami pag magkasama. YUN LANG.
haha.. napakasimple-minded ko talaga..
ay ewan.
sige na. ang post na ito ay walang kabuluhan. wala ring kabuluhan ang isip ko ngayon..
basta ako'y kinikilig pa rin sa binabasa ko at sana isang araw, maramdaman ko rin yon galing sa isang tao. SA NGAYON, in love ako dahil wala lang. at in love ako sa isang virtual person.
love-deprived ba? ewan ko.
pero, if ever, may mabulag man saken
*rason kung bakit sila tanga*
- hindi po ako maganda excuse me.
- wala akong special talents (kundi humalakhak)
- CLUMSY AKO. AS IN CLUTZ talaga!
- kadalasan ay bangag ako
- hindi ako masyadong sociable
- at simple lang talaga ko. never akong umaangat sa iba.
kumbaga sa isang anime series, filler lang ako.
sa isang film, extra na nga ako, kuko ko pa yung exposed
sa buong solar system, quark lang ako.
in short, HINDI MO TALAGA AKO MAPAPANSIN...
pero yun nga. if ever man.
di man siya ang first love ko, ito ang 3 ultimate vows ko:
- siya ang first and last husband ko
- siya ang best friend ko
- siya ang first and last kiss ko
basta halos lahat ng first and last ko, gusto ko, sa kanya.
engot ba ko?
haha. natatawa nga ako minsan kasi kahit simpleng hawak sa kamay, or hug. ayokong ibigay sa mga lalake kong kaibigan. hahaha. pati ba naman yun.
ay ewan. hanggang ngayon. sobrang vague pa rin ng magiging future ko tungkol dito. Pero naniniwala pa rin ako, someday, makikilala ko rin siya.
OUR LOVE WILL BE SPECIAL DESPITE IMPERFECTIONS.
Hi, kung nasan ka man, kung ano man ginagawa mo ngayon. OO NA, AKO NA ANG HOPELESS ROMANTIC. pero kinikilig nga ako sayo ngayon e. pero kung dadating ka man o ano (please dumating ka! please naman, wag mo kong paasahin), alam ko, magiging masaya tayo sa isa't isa.
PERO SA NGAYON, ANG TANGING LOVE KO LANG AY
ANG PAGTULOG. HELLO SLEEP. =DD